-->


THE GIRL



Generate Your Own Glitter Graphics @ GlitterYourWay.com - Image hosted by ImageShack.us

Joselle R. Feliciano
April 25, 1991
Taurus

Mother Goose Playskool
O.B. Montessori Center, Inc.
Manila Science High School
Ateneo de Manila University

I AM..
cute (^_^)
discerning
fun-loving
a girly-girl
a college freshman
a singer
a designer (occasionally)
a movie critic (and addict)
an emotional chocolate binger
a fanfic reader
a Disney person
married to the ARTS
painfully bashful
not athletic

I LOVE..
God
myself
my friends
my family
curly hair
pale skin
music
literature
movies
The Sims 2
dogs
flowers
food
clothes
Broadway
romance
diamonds
mint
chocolates
pusoy dos (Big Two)
Michael Jackson!

I WISH..
i could dance
to be a great movie director
to have a movie library
to shut physics and chemistry out of my life forever
to learn at least 3 more languages
to be REALLY GOOD at Scrabble
to travel around the world
to meet my favorite Hollywood actors
to perform in Broadway
to have a record of me singing "I Enjoy Being A Girl"
to see Michael Jackson perform live
to marry a prince

ACCORDING TO THE
KABALARIAN PHILOSOPHY
:
The name of Joselle gives you a responsible, reserved, and dignified nature, able to find a certain amount of success in anything you undertake. You have an appreciation for the finer and deeper aspects of life. Your scholarly, studious interests incline you to art, literature, philosophy, music, and drama. You wonder about the deeper aspects of life contained in religious theories and occult beliefs.

HER FRIENDS
*Kats*
*Minnelle*
*Pausiu*
*Jelo*
*Anna*
*Ange*
*Pedro*
*Esther*
*Yani*
*Miguel*
*Gidget*
*Camille*
*Abychu*
*Leslie*
*Lau*
*Pia*
*Jay-V*
*Nino*
*Julius*
*Ralph*
*Kuya Rei Mark*
*KathBa*
*Ate Jen*
*Habon*

ARCHIVES
  • oh yeah..blogger na ako!!


  • DO THE TALKING






    SEND YOUR LOVE
    mail me!

    THANKS TO
    shikin
    for the wonderful skin


    Thursday, April 19, 2007
    advanced happy birthday to me!

    *chocolate cake mode*

    I was too lazy to post this yesterday, while it was still fresh. So here it is now (with pictures from the ever-sexy divas..KATS and HEIDIE).

    __________________________________________________________________

    So naisipan ko namang magpa-advanced birthday celebration with the Faraday pipol. Kaya advanced e kasi aalis kami ng Mami ko, magbabakasyon sa April 22. So naturally, hindi na aabot ung birthday ko..

    So ayun, nangulit ako ng mga tao para sumama sa aking SWEET SIXTEEN bash..at nakakolekta ako ng (at most) 15 people, kasi yung iba hindi pa sure kung makakapunta.

    Ok, dapat magkikita-kita sa Masci 10AM. E kaya lang pasaway ang party crew kaya 10:30 na kami nakapunta sa Robinson's Place Manila. Eto ang agenda (na nagkalabo-labo pa dahil hindi ko naplano nang mabuti), in no particular order (or schedule, dahil nga naguluhan ako):

    1. Nood ng sine
    2. Kumain ng lunch
    3. Magpunta sa Gbox at maglaro ng kung anu-ano
    4. Picture-taking galore!

    Nagpunta muna kami sa Movie Theaters ng Rob para makita yung mga movie showing scheds. Saklap pa kasi hindi kami sure kung ano papanoorin namin. Gusto ko sanang panoorin yung "Ang Cute ng Ina Mo" kaya lang pinanood na yun nung mga kasama ko after nung outing namin (hindi pa kasi sila pagod..woo..). Ang naging choices namin:

    Choice #1:WILD HOGS
    -isang comedy starring Tim Allen, John Travolta, Martin Lawrence and William Macy.
    tagline: Four guys from the suburbs hit the road... and the road hit back.
    Choice #2:THE HILLS HAVE EYES 2
    -isang horror/thriller na wala akong idea kung tungkol saan.
    tagline: The lucky ones die fast.
    Choice#3:THE LAST MIMZY
    -isang sci-fi/fantasy movie na mukhang pangbata (based sa promotional poster)
    tagline: Save the World.

    choices pa lang yan. Hindi pa kami makapili e. Sa May pa kasi yung magagandang movies (e.g. Spiderman 3, Mr. Bean's Holiday) kaya ayun.

    At dahil 12:(something) pa ang next showing, pumunta muna kami sa Gbox upang magubos ng oras at hintayin yung mga wala pa. Pagkatapos naming maglaro ni ate jen ng table hockey, pinuntahan na namin yung ibang farads. Woo..DANCE MANIAX fever! At natuwa naman ako dahil nadiscover ko na ako ay nasa presence ng dalawang Dance Maniax gods..sina ASHLEY at LESTER! Grabe adik ang mga lolo, kumekembot pa. Kakatuwa talaga silang panoorin. Syempre, hindi papatalo ang sis ko kaya ini-'strut' niya ang kanyang Dance Maniax prowess. Sinubukan ko rin pero wala e. Nasayang yung token. Alam ko namang hopeless na talaga ang terpsichorean abilities ko...ever.

    Habang nangyayari yan, dumating sina Mary at Jelo (who told us to not be late). Syempre ndi mawawala ang yakap ni Mary sa kin na sa higpit ay parang mapipiga ang soul ko. Dumating rin si Manta bestfriend, na ultra-fab ang outfit (bells and all), at ang kanyang loveteam partner na si Takyo.

    Dala na rin yata ng sobrang pagsayaw, nagutom ang mga tao. Originally, ang plano ay sa McDo kakain kaya lang puno doon. Actually, lahat yata puno kasi 12NN un, lahat kumakain. Napadpad kami sa kung saan-saan pero Wendy's (naaalala ko si Minnelle) ang pinaka-'IT'.

    At this point, nais ko munang ishare ang mga moments na muntik na sumira sa beauty ko kasi connected siya sa paghahanap ng makakainan. Ang taong sangkot ay papangalanan nating "E-aji" dahil un ang kinakain ko ngayon (kasabay ng chocolate cake). At gusto ko siyang iluto sa ihawan.

    Goldie: Ok pipol, kain tayo sa McDo ah..(smiles)
    E-aji: Ha? McDo?
    Goldie thinks, "Pakakainin ka na nga e."

    Goldie: Naku puno sa McDo, sa Foodcourt, at basically anywhere else..san kaya tayo?
    E-aji: Sbarro na lang. May pera ka naman di ba?
    Goldie thinks, with veins popping out, "Waw, ow...key..."

    Goldie: Woo, hirap maghanap ng makakainan. Tanghali kasi e, daming naglulunch.
    E-aji: Ano ba yan..paikot-ikot lang tayo e..
    Goldie thinks, "You're making me want to hurt you. Who invited you anyway? I know didn't."

    So yun. Ahaha. Glad I got that out. Hulaan niyo nlang kung sino siya at wag kayong hihingi sa akin ng clue dahil madali lang yan. Hindi kayo masu-stump.

    Awkie..so nakaupo na kami sa Wendy's. Ako na nagorder ng food namin. So bawat isa ay nakakuha ng:

    -isang fried chicken meal (snack size)
    -isang medium sized coke
    -isang super value Frosty

    ..except kay Manta na umorder ng Chicken Breast Fillet Value Meal (nagdadiet yata..woo..). Ganito yung naging scenario sa cashier..

    Goldie: Isang Chicken Breast Fillet.
    Cashier: Value Meal or sandwich lang?
    Goldie: Value Meal.
    Cashier: Ano pa po?
    Goldie: Yung fried chicken meal na snack size...
    Cashier: Isa po?
    Goldie: Hindi, 12 orders nun.
    Cashier: 12?
    Goldie: Uh-huh.

    Tas ayun nagulat ung cashier. After kong um-oo, takbo siya sa kitchen o. Woo..

    At dahil marami yung inorder namin, kinailangan naming maghintay ng 15 minutes (daw; lumagpas nga sila e). Naunang iserve yung Frosty. Kaya yun ang nagsilbing appetizer namin. E kasi naman kung hindi namin kakainin yun e di natunaw yun.

    Habang naghihintay sa chicken meal ay umarangkada ang BARAHA BABIES. Yez, sa Wendy's pa! Ahaha! Tatlo pala sa amin ang may dalang baraha kaya kami ay nakapaglaro ng matiwasay (at palihim) dahil prior sa pagpunta namin sa Rob ay binalaan ako ni Mami ("Kapag nahuli kayong nagbabaraha dun, hindi kita tutubusin!"). Oh yeah..

    After kumain, binuksan na namin ung sinfully-delightful "surprise" chocolate birthday cake nila para sa akin. Nakakatouch nga may dedication pa atsaka kandila para ma-blow ko. Eto yung pic nung cake:


    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


    Tatlong beses kong inattempt i-blow ung candles nyan. Yung una kasi haggard yung pagkakakanta nila kaya inulit namin. Yung ikalawa naman, ok na yung pagkanta kaya lang hindi ko mapatay ung sindi ng kandila so nag-give up ako. Surprisingly, namatay bigla ung sindi nang hindi ko hinihipan. Woo...talk about creepy.

    Tapos dumating si Jarold na sumunod, fresh from UP. Haha. Nung nakaupo na siya inulit namin ang napakaimportanteng ritwal na ginagawa sa isang birthday celebration (other than giving gifts..joke!) Kanta kanta. Happy birthday to you! Yay! Tapos wish. Tapos blow ng candle. Yay! After nun, ginawa na namin ang favorite ng faraday: Picture taking! Hindi na kami pumunta sa Kameraworld kasi may digicam naman sina Kats at Heidie. Libre pa pag ganun.

    Ang ginawa namin ay Wedding-style picture taking. Yun yung...ok, newlyweds with groom's family.CLICK! next, newlyweds with bride's family. CLICK! ok, newlyweds with everyone. CLICK!

    Sa amin...ok, Goldie with the boys. CLICK! CLICK! next, Goldie with the girls. CLICK! CLICK! CLICK! ok, Goldie with everyone, sige magsiksikan kayo. CLICK! CLICK! CLICK! Ansaya!

    Tapos inoffer ko na kainin namin yung cake kaya lang wala na kaming gagamiting utensils kasi wasted na yung mga ginamit namin. May nagsuggest na sa foodcourt nlang daw tapos 'dutdutin' na lang namin gaya nung ginawa sa cake ni Kats. Weird nga e. Haha. Pero marami ang masyado nang busog upang kumain ng cake. Ayun tuloy pinauwi na lang sakin lahat. Andami kaya nun!

    Lingid sa kaalaman ng ilan sa mga kasama ko, ang aking Mami ay nagmistulang espiya. Tinetext niya ako pero hindi ko alam kung nasan sya.

    Mami (thru SMS): Kita ko kayo.
    Goldie (thru SMS): Nasan ka?
    Mami (thru SMS): Secret.
    Goldie (thru SMS): Wah... (sweatdrops)
    Mami (thru SMS): Paakyat na kayo.


    Creepy di ba? Sarili kong ina. Haha. It was only later when I found out na nag-hang out pa la sya sa Kenny Rogers (na katapat lang ng Wendys) kaya kita niya kami. Haha!

    Nung sinabi ni Mami na paakyat kami, paakyat kami nun papuntang sinehan. Eto na naman yung dilemma namin sa pagpili ng papanoorin. Ung Choice #2 (please refer to the aforementioned statements) ay tinanggal na dahil baka daw hindi ko makaya or whatever. Edi yun Choice #3 ang pinili namin kasi sabi ni Wilmark maganda daw, lalo na yung ending. Hmm..we'll see..

    Ang comments tungkol sa THE LAST MIMZY ay ilalagay ko sa separate post. Hintayin niyo nalang k?

    Basta may ganito:

    Goldie: Wilmark, sabi mo maganda yung ending.
    Wilmark: Oo nga.
    Goldie: 'Yan na yung ending...maganda ba?

    After ng movie, nagdecide kaming bumalik sa Gbox para maglaro ulit. Papunta doon, biglang sabi ni Ruth, "Nawawala si Jarold!" with matching hawak-sa-ulo-as-if-apocalypse-na. Tapos dala pa niya yung cake ko. Haha! Akala namin tinakas yung cake! Ayun lumitaw din, hindi ko alam kung bakit nawala. Ahaha!

    Edi Gbox moments na...ninais namin ni Mary na magkunwaring nasa theme park at sumakay sa attractions ng Gbox kaya lang eto yung rates ng BUMP CARS: 30pesos/4minutes. Tapos walo lang yung cars nila kaya hindi kami tumuloy dun. Sa CAROUSEL naman, hindi kami pinasakay. Hindi na daw kami pwede. After ilang minutes, gulat kami. Si kuya-carousel-riding-manager na full-grown adult na ay nakasakay sa isang kabayo sa carousel. Mali, unicorn pala. Hindi ko makakalimutan ang colorful feather-duster horns ng mga unicorn na iyon. Hay nako, whatever talaga siya...

    Realizing the fact na wala na kaming pag-asa sa amusement park rides, umakyat na lang kami upang mag-table hockey ulit. Nagkaroon pa kami ng tournament na change-the-loser at ang defending champion ay si KATS. Napangalanan tuloy siyang varsity ng table hockey. Wala siyang talo. Ilan pa naman kaming kinalaban niya, sunod-sunod pa.

    Habang naghihintay sina Ashley at Kats sa pila sa Dance Maniax, inubos ko na lang ang mga binili kong tokens sa arcade games kasama si Manta. Ansaya maglaro ng TEKKEN III! Haha. Habang pumipili si Manta ng magandang babaeng character, naghahanap ako ng isang powerful beast na makakalaban niya (beast para naman may superhuman powers). At napili ko ay isang winged fire-breathing OGRE! Ahaha! Ayun naluto yung babaeng character ni Manta ng fire-breathing powers ng Ogre ko kaya ayun. E di ba pagnanalo ka dun may mga susunod na rounds laban sa computer? Ayun tuloy-tuloy lang ang panalo ko and I swear I could have said "Oh yeah..." nine times every round.

    Yung kasunod na laro ni Manta ng Tekken III (kasi lumipat ako sa Soul Calibur, na hindi ko naenjoy), Ogre din yung pinili niya. Kinocoach ko siya kasi namaster ko na yung fire-breathing powers nung Ogre kaya lang ibang Ogre pala yung napili niya. E dalawa naman pala yun kaya hindi mukang dragon yung kanya. Kikay pa nga e, may gold headdress. At dahil yata sa bigat nung headdress ng Ogre nya, natalo ng isang human character. Ayan kasi. You pay a price for vanity. Ahahaha!

    So payo ko sa mga arcade-playing greenhorns (like me) dyan, piliin niyo nalang ay superhuman or beast kasi may mga creepy powers yung mga yun. Ahaha!

    After nun, hindi pa rin tapos yung mga taong gumagamit ng Dance Maniax kaya umalis na kami ni Manta. Tinatawagan na kasi ako ni Mami e. Pumunta na kami sa Masci kung saan naghihintay ang Mami ko upang umuwi.

    Overall, napakaspecial ng araw na ito (sa mga sumama, I know what you're thinking. Ang sagot ko: whatever...) dahil bukod sa ito ang una kong pagnood sa sinehan after 3 years (2004 yung huli, King Arthur pa yun), nakapagcelebrate ako ng aking sixteenth birthday (almost) with such fun-loving people as my Faraday Friends. Nakalibre pa ako ng cake! Ahaha!

    Sa mga sumama (Manta, Takyo, Ruth, Ashley, Jelo, Mary, Jarold, Wilmark, Kats, Lester, Heidie, Allister, Ate Jen), maraming salamat sa inyo! Napasaya niyo ang araw ko! Ahaha! Until next time! :-)

    At dahil gusto ko ring ishare sa iba ang aming fun times, eto ang mga ilan sa mga pictures:



    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
    Goldie and Allister

    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
    Goldie and Wilmark

    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
    Inii-straw ba ang Frosty?

    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
    Table hockey fun!

    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
    Nag-Dance Maniax ang lola mo! (tinatawanan nila ako o)

    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
    KIKAY alert!

    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
    Hostage Drama

    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
    Make a Wish!

    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
    Goldie with the boys

    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
    Goldie with the girls

    Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
    Goldie with everyone! Ahaha!

    Salamat friends!


    posted by Joselle Feliciano at 11:44 AM